Monday, 19 October 2020
Saturday, 18 April 2020
SAGING O BANANA – NUTRITION FACTS AT BENEPISYO
Isinulat ni Rowell G. Galao
Ano ang saging?
Anu-ano ang mga bitamina at mineral na makukuha rito?
Anu –anong sakit ang kayang lunasan ng saging?
Ilan lamang ito sa mga katanugan na ating sasagutin sa artikulong ito
ANO ANG SAGING
Ang tropikal na halaman na saging ay isa sa pinakamahalagang food crop saan mang parte ng mundo. Nagmula sa siyentipikong pangalan na Musa, sa ingles ay banana at sa Pilipinas ay mas kilala bilang saging ay maaaring matagpuan sa tropikal na timog-silangang Asya. Marami ding mga saging dito sa Pilipinas lalo na sa Mindanao partikular sa lalawigan ng Davao.
Ang puno ng saging ay magkakaiba ang taas , may malalaki at may katamtamang taas depende sa uri nito, ang dahon nito ay mahahaba at malalapad. . Magkakaiba ang klase, hugis at kulay ng bunga , meron ding kulay berde, dilaw at pula.
Ang bunga ng saging ay ginagamit din na panghalo sa ibat ibang lutuin sa bahay, pati na rin ang puso ng saging na kadalasang ginagamit na sangkap sa pagluluto ng lumpia. Ang mga pinatuyong bulaklak ng saging ay ginagamit din sa pagluluto sa Pilipinas.
Iba’t ibang uri ng saging:
1. Lakatan
2. Latundan
3. Saba
4. Senyorita
5. Morado
BENEPISYO NG SAGING
Ang saging ay maraming mga benepisyo tulad ng , iron, potassium, vitamin B6, vitamin C, antioxidants at phytonutrients at iba pa.
Karaniwang sanhi ng pagkamatay ng tao ay ang sakit sa puso. Ang saging ay mayaman sa potassium, ang mineral na nakakatulong para maging malusog ang puso at maging normal ang blood pressure. Ayon sa pag-aaral ang araw-araw na pagkonsumo ng 1.3–1.4 gramo of potassium ay nakakapagpababa ng 26% na panganib dulot ng sakit sa puso. Dagdag pa nito, ang saging ay naglalaman ng antioxidant flavonoids na tumutulong para labanan ang panganib dulot ng sakit sa puso.
Ito ay nakakatulong para sa may karamdaman sa tiyan tulad ng ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay itinuturing na pain reliever o may sariling antacid na tinatawag na phospholid at meron itong flavonoid na tumutulong para gamutin ang mga sugat sa ating tiyan.
Kumain lang ng saging para sa malusog at malakas na pangangatawan.
FACEBOOK PAGE:
https://www.facebook.com/pg/yesherbalplant/posts/
YOUTUBE CHANNEL
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Isinulat ni Rowell G. Galao Ano ang saging? Anu-ano ang mga bitamina at mineral na makukuha rito? Anu –anong sakit ang kayang lunasan n...